Thursday, December 12, 2024

Intramurals 2024: Bakbakan ng Wolves at Vipers

Intramurals 2024: Bakbakan ng Wolves at Vipers
Intramurals 2024: Bakbakan ng Wolves at Vipers

PILAR, BATAAN - Nasaksihan ng mga Victorians kung paano naging lamang ang kasanayan sa laban ng Wolves (Seniors) at Vipers (Grade 9), (25-14, 22-25, 25-14), sa Finals ng Men's Volleyball noong ika-12 ng Disyembre, dakong ala una ng hapon, sa Dr. Victoria B. Roman Memorial High School. 

Itinanghal na MVP ang outside hitter ng Wolves na si Rafael Rubia matapos bumwelta ng 11 points, 9 attacks at 2 service aces. 

Intramurals 2024: Bakbakan ng Wolves at Vipers

"Hmm...masaya naman din, medyo nabitin lang sa ikot ng laro," ani Rafael.

"Sa totoo lang, wala kaming naging preparation kasi biglaan lang din [ang] pagbuo namin, sinabi ko lang sa kanila na i-enjoy lang nila 'yung laro, manalo o matalo," dagdag pa niya.

Napasakamay ng Seniors ang 1st set sa pangunguna ng powerhouse na Rubia na lumatag ng 6 points.

Hindi rin nagpahuli ang outside hitter rin na si Eman Bailador ng Wolves sa 2nd set. Nagpakawala siya ng mga nakalilitong services dahilan upang makakuha siya ng tatlong sunod-sunod na service aces.

Gayunpaman, nagawang makahabol ng Vipers, 22-25.

Tinuldukan ng mga Seniors ang nag-iinit na bakbakan matapos ibalik ang 11 na kalamangan sa 3rd set, 25-14.

"Siguro naging lamang namin sa kalaban namin is, may experience na talaga 'yung iba sa 'min sa paglalaro ng volleyball, like ako na sport ko talaga," sambit pa ng MVP. 

Balitang Pampalakasan ni: Eizen C. Landicho

Larawan ni: Andrea Gaile E. Pega

No comments:

Post a Comment

We’d love to hear your thoughts! Feel free to share your comments below, and please remember to keep them respectful—no inappropriate language, thank you!

Search This Blog

Powered by Blogger.